Monday, January 19, 2009

Kudos for you Nicole

In defense of the Atenean community.

Atenista ako. Pero marunong akong mag-diretsong Tagalog. Atenista ako. Pero marunong akong makipagtulakan sa MRT at isiksik ang sarili ko sa kakarampot na espasyo sa jeep. Atenista ako. Pero hindi ako gumagasta ng libo-libo sa isang pares ng sapatos o sa isang jacket. Wala akong kotse, wala akong driver, at lalong-lalo nang wala akong Wii o X-box o Play Station para mag-Guitar Hero at Rock Band maghapon. Pero hindi ibig sabihin nitong hindi ako singtalino at sing-galing ng ibang Atenistang meron ng mga bagay na to. Hindi ibig sabihin nitong hindi ako bagay na mag-aral sa isang sikat na unibersidad. Hindi ibig sabihin nitong hindi ako Atenista.

Madalas nababansagang maarte kaming mga Atenista dahil sa pananalita namin. Pero matalino lang ang mga estudyante ng Ateneo. Ang kapaligiran, mga propesor, ang estilo ng pagtuturo at pamamalakad ay dinisenyo para manganak at magpalaki ng mga studyanteng hindi lang napipilitang mag-aral ng mabuti, kundi ginugusto talagang maging mahusay sa akademya. Walang masamang maging magaling mag-Ingles. Walang masamang maging gamay makipag-usap sa mga dayuhan. Walang masamang maging marunong makipag-debate at ipaglaban ang pinaniniwalaan mo.

Mareklamo daw kami. Bakit, sa La Salle ba, walang nagrereklamo sa lakas ng ulan? Sa UP ba, walang nagrereklamo sa init ng panahon? Sa Benilde ba, walang nagluluksa pag walang kuryente o mabagal ang wi-fi? Hindi kami naiiba sa inyo. Sa lahat ng mga ganito pa rin ang ideya tungkol sa mga Atenista, wala pa siguro kayong nakakausap na dormer ng Cervini, na galing Cotabato at nagsisikap mag-aral ng mabuti kahit nag-iisa at malayo sa pamilya. Wala pa kayong nakikilalang scholar na minsan kailangang umutang sa OAA para lang may pamasahe papasok. Sila? Nagrereklamo ba sila?

Elitista daw kami. Pero hindi lahat ng Atenista mayaman o feeling-mayaman. Hindi lahat kami “sheltered” katulad nang hindi lahat nang Lasalista negosyanteng Intsik at hindi lahat nang taga-UP aktibista at hindi lahat nang taga-UST ay mga siokoy na lumulusong sa baha. Hindi porke’t “elite” ang school namin “elitista” kami. Hindi porke’t may dalawang Figaro sa loob ng campus namin hindi na namin nasisikmura ang isaw at betamax. Hindi porke’t malinis ang mga banyo namin pinandidirihan na namin ang mga Aeta. Marunong naman kaming manood ng Eat Bulaga at Wowowee at nabalitaan din namin ang break-up nina Dingdong at Karylle. At hindi lang usong damit at UAAP ang inaatupag namin. May pakialam din kami sa mundo. Alam namin ang tungkol sa global recession at krisis sa stock market ng Amerika. Nanood kami ng SONA at naintindihan namin yon. Alam na alam namin ang banta ng global warming, kaya nga hindi na kami gumagamit ng styro. Alam naming importanteng iangat ang estado ng Pilipinas sa mundo, kaya nga kami may JTA. Alam namin ang kalagayan ng mga magsasaka sa Calatagan, kaya nga ginagawa namin lahat ng kaya namin para matulungan sila. At oo, alam naming maraming nagugutom sa mundo, kaya nga Atenista pa rin kami.

Wala pa akong isang buong taon sa Ateneo. Pero alam ko ang mga pinagsasasabi ko. Dahil sa loob ng pitong buwan sa Katipunan marami akong natutunan, nakilala, napuntahan at natulungan. Dahil nakita ko ang puso at talino ng mga taga-Ateneo. Dahil hindi ako maarte, hindi ako feeling mayaman, hindi ako mareklamo, at hindi ako elitista, pero hindi ipinagkait sakin ang pagiging Atenista.One of Radioactive Sago Project’s albums is entitled, “… Ang Daming Nagugutom Sa Mundo Fashionista Ka Pa Rin”. Vocalist Lourd de Veyra plugs, “Bilhin ninyo ang album namin, “… Ang Daming Nagugutom Sa Mundo Atenista Ka Pa Rin”. I’m not angry at Radioactive Sago. In fact I love Lourd de Veyra. I want him to write me a song. This is just a reaction.

reference: To my fellow parents: On the meaning of an Ateneo education by Agustin Martin G. Rodriguez, Ph.D. as published in The Ateneo Way SY 2009

-- from http://spamolopolis.multiply.com/journal/item/40/Ang_Daming_Nagugutom_Sa_Mundo_Atenista_Ka_Pa_Rin

So yea, sikat na nga itong blog entry na ito sa maraming tao. Talaga naman kasing maganda at may sense. Nagaagree rin ako sa halos lahat ng sinabi niya at in fairness, may sense of humor pa siya. Magaling na bata :) Sana ganyan rin ako kagaling magsulat. haha. I love my school that's why I am posting this.

6 comments:

Kate said...

Ayos. =)) Naalala ko tuloy yung friend ko na sabi, baad daw mga taga-Ateneo. Eh naalala kita no'n. Inaway ko talaga siya kahit long time friend ko na siya. =)) :|

Steph said...

HAHAHAHA! :)) Aww, tats naman. Naalala mo ako? HAHA. Eh totoo naman, ginegeneralize kasi nila yung mga atenista. Normal naman akong nilalang at hindi mayaman noh. :D

Anonymous said...

benta naman ito. lol.

Steph said...

It's a good article noh? HAHA.
May sense na, may humor pa. haha

Anonymous said...

Haha. I like this one.. Lahat naman ng schools may ganitong drama diba. lol. Madami kasi nag-gegenaralize. Oh well

Steph said...

Yea, kanya kanyang stereotype naman lahat ng schools.