Saturday, January 24, 2009

Pumatok sa akin

wind beneath my wings - kanta ng napkin sa utot
bakit ngayon ka lang - kanta para sa mga late
im a slave for you - kanta ng mga yaya
can’t smile without you - kanta ng mga bungal
i’m almost over you - kanta ng malapit ng makumpleto ang bayad sa utang
so into you - kanta ng mga stalker
confide in me - kanta ng mga chimosa
hit me baby one more time - kanta ng mga masochista
don’t know why - kanta ng may amnesia
exhale (shoop shoop) - kanta ng may mga hika
count on me - kanta ng mga tindera
barenaked- kanta ng nagahasa
brick-kanta ni inday nung nakipag break kay dodong
breaking free - kanta ng tumakas sa city jail
breathless - kanta ng mga patay
back at one - kanta ng hindi marunong magbiliang lampas sa five
always something there to remind me - kanta ng mga panget pag tumitingin sa salamin
bring me to life - kanta ni Frankenstein
bubbly - kanta ng naulol
power of two - kanta ng dalawang bumbay
when you say nothing at all - kanta ng pipi ang syota
cleaning out my closet - kanta ng maraming damit
di na natuto - kanta ng mga bobo
dont call me baby - kanta ng mga lola
dont cry for me argentina - kanta ng mahilig sa chunkee
dont speak - kanta sa mga bad breath
tell me where it hurts - kanta ng mga doktor
eternal flame - kanta ng mga bumbero
hindi kita malilimutan - kanta ng inutangan
my heart will go on - kanta ng heart attack survivor

here i am - kanta ng mga late na kararating lang
no walls no ceilings no floors - kanta ng mga nasunugan ng bahay
if i were a boy - kanta ng mga tomboy
not a girl, not yet a woman - kanta ng mga bading
angels brought me here - kanta ng mga sumalangit nawa
i’ll never go - kanta ng mga ayaw lumayas
beautiful in my eyes - kanta ng mga feeling maganda
no one else comes close - kanta ng mga loner
free falling - kanta ng mga tumalon sa building
how do i breathe - kanta ng barado ang ilong
greatest story ever told - kanta ni Lola Basyang
panalangin - kanta ng mga pari
unfaithful - kanta ng mga taksil
wonderful tonight - kanta ni cinderella

I don’t want to miss a thing - kanta ng mga ayaw umalis sa isang event kahit ihing-ihi na!

Thousand miles- kanta ng mga walang pamasahe

Hold On (Side A) - Kanta ng mga constipated sa banyo

the winner takes it all - kanta ng panalo sa pustahan
finally found - kanta ng mga kanina pa naghahanap

can’t fight the moonlight - kanta ng mga nababaliw pag bilog ang bwan!

thank god i found you-kanta ng mga taong sobrang sakit na ng tyan and the last minute nakahanap ng CR success!!!

kanta ng akyat bahay gang:

“look at this stuff, isn’t it neat? wouldn’t you think our collection’s complete?”

aray (mae rivera??) - kanta ng mga najombag
so young (the corrs) - kanta ni madam auring
i see you, you see me (the magic numbers) - kanta ng nahuling namboso
run (kitchie) - kanta ng mga pilay, nag 1,2,3 etc.
i’ve seen it all (bjork & thom) - kanta ng mga garapal mangopya
pretty baby (vanessa) - kanta para sa mga tiyanak
high and dry (radiohead) - kanta ng mga tigang na nag-adik dahil walang
makasex
stronger (britney) - kanta ng mga kulang sa vitamins
get down (backstreet) - kanta ng mga may osteoporosis
flying without wings (westlife) - kanta ng mga baklang mababa ang lipad
someday we’ll know ( new rad) - kanta ng mga tanga

All these are from Greenpinoy.com, some are comments from other people.
Grabe, pumatok sa akin. Tawa ako nang tawa. :)) Tenks for this. lol.

Wednesday, January 21, 2009

First love

So everybody is crazy about this Mcdo First love commercial. I saw it first on Plurk. lol, somebody posted it there. Wala na kasi akong TV life e. lol. :)) I was touched when I first saw it and I loooooooove the song. Eheads, you rock! HAHA. Super cute commercial.

The other day, Kuya Justine wanted to see it so he told me to search it on You Tube. While I was waiting for him, I read comments about the video and deym, I WAS LAUGHING OUT LOUD. Merong galit na galit dahil napaiyak daw sila ng commercial na toh, As in minumura nila! HAHA. Merong touched na touched. Merong nag-iintay ng part 2 at merong nag-iintay rin ng spoof from Bubble Gang. Merong inlove sa babae at merong gumagawa ng istorya na dapat nabuntis nung lalaki yung babae para may away. Pero ang pumatok sa akin ay ang nag-comment ng:

"Pag sa Mcdo, malulungkot ang commercial pero sa Jollibee, BIDA ANG SAYA!"
Wow, ang lupit. Patok ka kuya, kung sino ka man. Pinatawa mo ako! haha.

So really, everybody is crazy about this commercial coz first love never dies! Hahahaha. Eh pano ba yan, namatay na yung sakin e! HAHAHAHA. kidding.

http://www.youtube.com/watch?v=CFOQORGU-Pw

Monday, January 19, 2009

Kudos for you Nicole

In defense of the Atenean community.

Atenista ako. Pero marunong akong mag-diretsong Tagalog. Atenista ako. Pero marunong akong makipagtulakan sa MRT at isiksik ang sarili ko sa kakarampot na espasyo sa jeep. Atenista ako. Pero hindi ako gumagasta ng libo-libo sa isang pares ng sapatos o sa isang jacket. Wala akong kotse, wala akong driver, at lalong-lalo nang wala akong Wii o X-box o Play Station para mag-Guitar Hero at Rock Band maghapon. Pero hindi ibig sabihin nitong hindi ako singtalino at sing-galing ng ibang Atenistang meron ng mga bagay na to. Hindi ibig sabihin nitong hindi ako bagay na mag-aral sa isang sikat na unibersidad. Hindi ibig sabihin nitong hindi ako Atenista.

Madalas nababansagang maarte kaming mga Atenista dahil sa pananalita namin. Pero matalino lang ang mga estudyante ng Ateneo. Ang kapaligiran, mga propesor, ang estilo ng pagtuturo at pamamalakad ay dinisenyo para manganak at magpalaki ng mga studyanteng hindi lang napipilitang mag-aral ng mabuti, kundi ginugusto talagang maging mahusay sa akademya. Walang masamang maging magaling mag-Ingles. Walang masamang maging gamay makipag-usap sa mga dayuhan. Walang masamang maging marunong makipag-debate at ipaglaban ang pinaniniwalaan mo.

Mareklamo daw kami. Bakit, sa La Salle ba, walang nagrereklamo sa lakas ng ulan? Sa UP ba, walang nagrereklamo sa init ng panahon? Sa Benilde ba, walang nagluluksa pag walang kuryente o mabagal ang wi-fi? Hindi kami naiiba sa inyo. Sa lahat ng mga ganito pa rin ang ideya tungkol sa mga Atenista, wala pa siguro kayong nakakausap na dormer ng Cervini, na galing Cotabato at nagsisikap mag-aral ng mabuti kahit nag-iisa at malayo sa pamilya. Wala pa kayong nakikilalang scholar na minsan kailangang umutang sa OAA para lang may pamasahe papasok. Sila? Nagrereklamo ba sila?

Elitista daw kami. Pero hindi lahat ng Atenista mayaman o feeling-mayaman. Hindi lahat kami “sheltered” katulad nang hindi lahat nang Lasalista negosyanteng Intsik at hindi lahat nang taga-UP aktibista at hindi lahat nang taga-UST ay mga siokoy na lumulusong sa baha. Hindi porke’t “elite” ang school namin “elitista” kami. Hindi porke’t may dalawang Figaro sa loob ng campus namin hindi na namin nasisikmura ang isaw at betamax. Hindi porke’t malinis ang mga banyo namin pinandidirihan na namin ang mga Aeta. Marunong naman kaming manood ng Eat Bulaga at Wowowee at nabalitaan din namin ang break-up nina Dingdong at Karylle. At hindi lang usong damit at UAAP ang inaatupag namin. May pakialam din kami sa mundo. Alam namin ang tungkol sa global recession at krisis sa stock market ng Amerika. Nanood kami ng SONA at naintindihan namin yon. Alam na alam namin ang banta ng global warming, kaya nga hindi na kami gumagamit ng styro. Alam naming importanteng iangat ang estado ng Pilipinas sa mundo, kaya nga kami may JTA. Alam namin ang kalagayan ng mga magsasaka sa Calatagan, kaya nga ginagawa namin lahat ng kaya namin para matulungan sila. At oo, alam naming maraming nagugutom sa mundo, kaya nga Atenista pa rin kami.

Wala pa akong isang buong taon sa Ateneo. Pero alam ko ang mga pinagsasasabi ko. Dahil sa loob ng pitong buwan sa Katipunan marami akong natutunan, nakilala, napuntahan at natulungan. Dahil nakita ko ang puso at talino ng mga taga-Ateneo. Dahil hindi ako maarte, hindi ako feeling mayaman, hindi ako mareklamo, at hindi ako elitista, pero hindi ipinagkait sakin ang pagiging Atenista.One of Radioactive Sago Project’s albums is entitled, “… Ang Daming Nagugutom Sa Mundo Fashionista Ka Pa Rin”. Vocalist Lourd de Veyra plugs, “Bilhin ninyo ang album namin, “… Ang Daming Nagugutom Sa Mundo Atenista Ka Pa Rin”. I’m not angry at Radioactive Sago. In fact I love Lourd de Veyra. I want him to write me a song. This is just a reaction.

reference: To my fellow parents: On the meaning of an Ateneo education by Agustin Martin G. Rodriguez, Ph.D. as published in The Ateneo Way SY 2009

-- from http://spamolopolis.multiply.com/journal/item/40/Ang_Daming_Nagugutom_Sa_Mundo_Atenista_Ka_Pa_Rin

So yea, sikat na nga itong blog entry na ito sa maraming tao. Talaga naman kasing maganda at may sense. Nagaagree rin ako sa halos lahat ng sinabi niya at in fairness, may sense of humor pa siya. Magaling na bata :) Sana ganyan rin ako kagaling magsulat. haha. I love my school that's why I am posting this.

Sunday, January 18, 2009

What a weekend

Kung may hell week, may hell weekend din.

So ngayon nga ay hell weekend ko pero may gana pa akong maglakwatsa. HAHA, aktwali yung ngayon.. family gathering. So I have this annoying english paper/note taking chorva due on Monday together with a critique. Talk about papers huh? It's not much but I just don't like the prof. She doesn't teach. Our class should be called a reading class and not and English 12 class. All she does is read and maybe when she's bored, she makes us read the book or handouts. She gives a lot of "independent study" and a lot of PAPERS! So yea, i hate her.

After going to the library yesterday to look for sources, Kuya Justine, Kuya Ehvee, Gladys and I went to Ever to play billiards. OKAY, MEDYO MARUNONG NA AKO! hahaha :)) It was really funny, di ko man lang matamaan yung cue ball nung una. lol, but hey nakakashoot ako! woot woot! I know right? HAHA :)) We are home by 12 and I started my note taking crap. I did 2 sources out of the 20 required. It's an achievement. haha :))

Today, we went to Ninang Mariflor's house for the first household reunion. Medyo konti lang kami but still it was fun. Pictures soon. For those who know, yihee. i'll make chika. haha :)) Anyways, first time na may liquor. I don't drink, lol! Anyways, went home at around 8 and now I am stuck in finishing this english craps. :) AND FOR THE FIRST TIME, I FINISHED THE WHOLE THING BEFORE 12AM. ACHIEVEMENT. So, I am now just facebook-ing. lol.

I had a fun weekend kahit na istressing.

Saturday, January 10, 2009

allergies, hello again

I hate waking up so early in the morning.. there's nothing to do. lol. Drinking have different effects on me.
1. It makes my back itch. SUPER.
2. It makes me sleep late. (parang kape.)
3. It makes me so early.
4. It makes me rant about anything under the sun.

So yah, I had fun yesterday at Patlo's debut. :) HAPPY BIRTHDAY TO YOU SEXXY! Unlimited drinks but we have to go kinda early but it's okay, i had enjoyed everything except the singing part. lol. In the ayer! WAHAHAHA.

I missed blogging. This is my first rant for the year, WOW! haha. In 2 months, my blog is a year old. YAY! Happy Birthday. WAHAAHAHAHA.

That's it for now. Imma go to Marianne's crib.

Friday, January 2, 2009

Year ender again

So 2008 was fun. Thanks to all those people listed below and to these memorable events that happened in my 2008 that I am looking forward to have this 2009.

I won't forget...

January
Jan 11. Marianne's Debut(Grand Terrace) - I really had fun. First debut of the barkada. The program was fun and I will never forget the piano charm that I gave Marianne. na na na na, You are the music in me Haha!
SHS Fair(SHS)- First time kong bumalik ulit sa Holy.

FebruaryFeb 16. Theresa's Debut(Sofitel)- Masaya. Nagpictorial kami habang nag-iintay kasi late nagstart. May class pa ako nito pero nag-cut ako! lol. Super kain at super party. Ehh mayaman si Ter e! haha.


MarchMarch 1- First time kong gawin ang maraming bagay. First time kong sumakay ng LRT 1, bangka at ng 3 loooong jeeps sa isang galaan. First time sa Navotas at Malabon at may nanlibre pa sa amin. Hindi ko talaga makakalimutan toh!

April
April 24. My debut(Giligan's Makati)- salubong sa birthday ko. 18 na ako, legal na ako, pwede na akong makulong.. eeew! haha. Super saya kahit na super crammed yung preparations. Met up with old friends.


May
April 30-May 5. Bohol Trip- It was fun. First time in Bohol and I fell in love with Panglao. ♥ Lotsa memories. Worshipped under the rain.. freezin cold.
May 6. The news- I passed ADMU. :)
May 16-18. Youth Camp(House of Angels)- Last camp na ako yung chapter head. It was a great camp, maganda yung bonding na nabuo.
May 25-27. Sining's 1st Birthday(Tagaytay)- Aww, 1 year old na siya. I had fun in Tagaytay. Lotsa things we did.


June
June 5-7. Orsem(ADMU)- Block TR rocks kahit na discriminated. Uhh, hello new friends, new people and new school.
June 19. First visit sa USTe- First time rin ako nakatikim ng baha! LINTEK!
July
July 25. Rhea's Debut(Sulo Hotel)- First time ko silang nakasama sa overnight kasi first time akong pinayagan. Hinding hindi ko malilimutan ang napakagandang sayaw with matching napakagandang costume. SHET! haha. Hindi ko rin malilimutan na muntik na kaming ma-pick up ng lalaking hindi namin kilala at ang tantrums ni Nina sa paghahanap ng alak at swimming.
AugustAugust 30. Eraserheads reunion concert(The Fort)- OMG, mahal ko sila. Sayang lang at hindi tapos pero sulit!

SeptemberSept 6. Pig's debut(Anabels)- Nanood rin ng UAAP game sa bahay ni Patice. Uhh, umiyak si Jervy Cruz :( Panalo ADMU :)
Sept. 25. The wait is over- PANALO ATENEO after 6 years. Need I say more? Matagal kong inintay toh at last year pa ni Papa Chris pero hindi siya good game :c oh well.
Sept 27. Jessie's Debut(Dulcinea)- Masaya. Sabog pictures of Jessie revealed.
Sept 30. Bonfire(ADMU)- OMG, PUTIK! Yun lang.

OctoberOct 4. Katie's Debut(Moomba)- bonding with SHS and UST friends. Wow, pinayagan ulit ako mag-overnight. Metrowalk then bahay ng tita ni Mina. Walang tulog. Maraming revelations.
Oct. 13-14. Sembreak Party(Marianne's)- Isa pang sleep over! WOW! haha :)) Super saya kahit na may sakit si Nina :c Nag-enjoy ako. First time sa bagong bahay ni Ter, wow! haha.Oct. 25-26. Metrocon(Cavite)- Masaya. First time kong umiiiiiyak at maglabas ng sama ng loob sa isang YFC conference. Salamat gurlies.
Oct 31. Abi's debut(Richmond)- Overnight uliiiit. Gran Ma overload. Allergies ng malupiiiiit!

NovemberNov 14. Night of Adventure(Decagon, Metrowalk and Marlo's Condo)- Taxi Hopping at Starbucks hopping ang ginawa namin. Overnight ulit! :) Nagbonding kami ni Kristel OMG talaga tong adventure na toh. Never ko tong makakalimutan.Nov 26. Marlo's birthday(Club Filipino)- Nakita ko si Erap. Videoke.
Nov 29. Mariz' birthday(Mason st.)- Masaya! New friends. Or.gy!Thalia's Debut(Celeb)- bonding with TR.


DecemberDec 6. Wala akong tulog. Bayanihan Build at Brgy. Batasan, Inspiring. Tas inuman at Mariz', FUN! Then Aura's debut na super layo. Went home at exactly 3am.Dec 11. Rockband. Ja, Jao and Anna. Hindi ko makakalimutan ito. Alam niyo na kung bakit.Dec 13. Ogie's debut(Damar Village)- I won't forget this kasi pinasayaw niyo ako ng Sana Mama in front of everybody!
Meeting with Tito Tony. Na-inspire ako.
Dec 19. Paskuhan(USTe)- Hindi ako pinayagan mag-overnight :)) First time kong nakasama ulit ang Musha.
Dec 20. M&M Christmas Party(EP)- Mayaman kami.
Dec 25. HAPPY BIRTHDAY PAPA JESUS. First Christmas na wala si Mama.
Dec 28. Papa's Birthday- First time na makumpleto ulit kami sa mass(pero siyempre wala si Mama). Day out with all the girlfriends.

MEMORIES are FOREVER. lol. I will never forget 2008.
So I will say it again.
HELLO 2009 and GOODBYE 2008.